4 patay sa pagguho ng quarantine facility sa China

Patay ang apat katao makaraang gumuho ang isang gusali sa China.

Ayon sa Ministry of Emergency Management, gumuho ang isang quarantine facility sa Quanzhou ng eastern Fujian province ng China.

Sinabi ng ministry na 71 katao ang na-trap sa gusali.

Sa nasabing bilang, 38 ang nasagip ng mga rescuer kung saan lima ang kritikal ang kondisyon.

Sa ngayon, patuloy pa ang search and rescue operations sa lugar.

Read more...