Palasyo, pabor sa paggmit ng “sablay” kapalit ng toga

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Walang nakikitang masama ang Palasyo ng Malakanyang sa panukala ng Department of Education (DepEd) na gamitin ang “sablay” at palitan na ang toga para sa mga magtatapos sa elementary at high school.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na pabor ang Palasyo sa mga hakbang na makabubuti sa mga estudyante o mga magulang.

Wala aniyang masama kung makamemenos naman sa gastos ang mga magulang sa paggamit ng sablay kaysa sa mas mahal na toga.

“Okay lang ‘yun. Anything na hindi masama. Makakamenos sa gastos ang parents. Maganda rin ‘yun. Mas mahal ang toga kaysa sa sash,” ani Panelo.

Sa panukala ni DepEd Undersecretary Alain Pascua, nais nitong palitan na ang toga na sumisimbolo sa malalim na western roots o kolonyalismo samantalang ang sablay ay sumisimbolo sa pagtataguyod sa lokal na kultura ng Pilipinas at national diversity.

Ayon kay Panelo, maganda ang hakbangin na ito ng DepEd.

Read more...