DepEd, hihintayin ang “definitive advisory” ng inter-agency task force ukol sa COVID-19

Hihintayin ng Department of Education (DepEd) ang “definitive advisory” ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ukol sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na handa silang magpatupad ng lahat ng kinakailangang pagtugon para maiwasan ang pagkalat ng virus base sa abiso ng task force.

Sa ngayon, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na humihingi sila ng gabay mula sa Department of Health (DOH) ukol sa dalawang major event na NSPC at NFOT mula March 7 hanggang 15.

“In the meantime, Secretary Briones is seeking guidance from DOH on the conduct of two major events, NSPC & NFOT, from today, March 7, to March 15 inclusive of travel, with recommendation to be allowed to proceed under the circumstances that participants are already on travel or at the venue, with observance of heightened precaution,” pahayag ng kagawaran.

Inaasahan anilang magpupulong ang task force sa araw ng Lunes.

Read more...