Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa kabuuang 163 na Filipino ang napauwi ng Pilipinas sa pamamagitan ng chartered flight via Air Macau.
Makikita sa video ng ibinahagi ng DFA ang pagsakay ng ilang Filipino sa eroplano:
Through the efforts of the Philippine government, a total of 163 Filipinos finally boarded repatriation flight to Manila via Air Macau. The flight is expected to arrive in Manila later this afternoon. pic.twitter.com/xWfUJ42LnX
— DFA Philippines (@DFAPHL) March 7, 2020
Inasistihan ng mga opisyal ng Philippine Consulate General sa Macau ang mga Filipino sa Macau International Airport para makauwi ng bansa busnod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa pamamagitan ng chartered flight napauwi ang mga Filipino matapos kanselahin ang lahat ng direct flights patungong Manila mula Macau bunsod ng ipinatupad na travel restrictions.