Bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad na

Magandang balita sa mga motorista!

Magpapatupad ng bawas-presyo sa mga petrolyo sa susunod na linggo.

Sa anunsiyo ng Phoenix Petroleum Philippines at Cleanfuel, may tapyas na P0.75 sa kada litro ng diesel habang P1.20 naman sa kada litro ng gasolina.

Bueno manong nagpatupad ng oil price rollback ang Phoenix Petroleum Philippines bandang 6:00, Sabado ng umaga (March 7).

Epektibo naman ang oil price adjustment ng Cleanfuel sa araw ng Linggo simula 4:01 ng hapon (March 8).

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng magiging pagbabago sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Read more...