Quezon, makararanas ng pag-ulan

Makararanas ng pag-ulan ang Quezon, Sabado ng hapon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:41 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos
ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Quezon.

Sinabi ng weather bureau na mararamdaman ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...