Drug den sa Dumaguete City, sinalakay; 6 timbog

Sinakalay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Dumaguete City, Biyernes ng gabi.

Ayon sa PDEA Central Visayas (RO7), ikinasa ang buy-bust operation sa bahagi ng Purok Tangigue sa Barangay Piapi dakong 7:50 ng gabi.

Naaresto sa operasyon ang mga suspek na sina Editha Labrador. Rosa Olpos, Rynie Duran, Pepito Aningalan, Ronel Aningalan at Ruel Ellema.

Nakumpiska ang 17 plastic sachets ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, 12 at 15, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020.

Read more...