BREAKING: DOH, kinumpirma ang ika-anim na kaso ng COVID-19 sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ika-anim na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang ika-anim na kaso ay isang 59-anyos na babae at asawa ng ika-limang kaso.

Sa ngayon, stable naman ang kondisyon ng pasyente at naka-confine sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Lumabas na positibo ang ika-anim na kaso matapos ang isinagawang contact tracing activities ng DOH.

Maliban dito, kinumpirma rin ng DOH ang unang kaso ng local transmission ng virus sa bansa dahil wala itong travel history sa abroad. Ito aniya ang ika-limang pasyente na nakatira sa Cainta, Rizal.

Paglilinaw naman ng kagawaran, ika-apat na kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa bansa ang isang empleyado sa kumpanyang Deloitte sa Bonifacio Global City, Taguig.

Tiniyak naman ni Duque na patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang hakbang para ma-identify ang iba pang posibleng nakasalamuha ng mga kumpirmadong kaso para hindi na kumalat ang virus sa bansa.

Read more...