Malaysian huli sa bitbit na P1.1-M sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang Malaysian national dahil sa bitbit na P1.1 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Airport Customs District District Collector Carmelita Talusan si Gan Kang Hsiung, 31-anyos, ay dumating 8:30, Biyernes ng gabi, sakay ng Air Asia Flight Z2 502 mula Kota Kinabalu, Malaysia.

Ayon naman kay Atty. Lourdes Mangaoang, chief ng BOC – Passenger Services, unang sinabi ni Hsiung na wala itong
idedeklara ngunit kinalaunan ay umamin na may bitbit itong P1 milyon.

Nang tanungin, tumanggi ang banyaga na sabihin kung saan galing ang dalang malaking halaga ng pera at kung saan
niya ito gagamitin.

Nabigo din si Hsiung na magpakita ng permit mula sa Central Bank para makapagpasok ng malaking halaga sa bansa.

Sa pagsiyasat sa check-in luggage nito ay umabot sa P1.1 milyon ang halaga ng bitbit na pera.

Dagda ni Talusan, agad nilang ipinagbigay-alam sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang insidente.

Read more...