Magnitude 3.6 na lindol, tumama sa Maguindanao

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang Upi, Maguindanao.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 48 kilometers Northwest ng Upi bandang 1:05 ng hapon.

21 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...