Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ito ay bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Sakop ng suspensyon ng klase ang lahat ng antas mula kindergarten hanggang kolehiyo sa pampubliko at pribadong paaralan.
“Ako ay nakikiusap sa DepEd na automatic passing para sa lahat ng estudyante for this school year dahil sa COVIDー19,” ayon pa sa alkalde.
Maliban dito, inanunsiyo na rin ni Mayor Kit Nieto ang suspensyon ng klase sa Cainta, Rizal sa Lunes.
Ayon sa alkalde, suspendido ang klase sa nasabing lugar hanggang sa Martes, March 10.
MOST READ
LATEST STORIES