Ayon sa senadora sa ulat ng DOH ukol sa unang dalawang Filipino cases ng COVID-19, nangangahulugan na nagkakahawaan na ng sakit sa Pilipinas.
Nakukulangan si Hontiveros sa pagsasagawa ng DOH ng kanilang screening at testing protocols.
Binanggit nito ang Australian national at Taiwanese national na nag-positibo sa COVID-19 matapos bumiyahe ng Pilipinas.
Aniya, dapat paigtingin ng kagawaran ang mga ginagawang hakbang at isama na ang mga lokal na pamahalaan hanggang sa barangay sa pagsasagawa ng community health surveillance and monitoring.
Sinabi pa ni Hontiveros na sa virus masusubok ang public health care system ng bansa.