Gonzaga, Cagayan niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Yumanig ang magnitude 3.5 na lindol sa Cagayan, Sabado ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 53 kilometers Southeast ng Gonzaga dakong 9:52 ng umaga.

12 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...