Naaresto sa operasyon ang dalawang lalaki at isang babae na kinilala lamang na sina alyas Boy, alyas Dan at alyas Ana.
Nakumpiska sa tatlo ang 15 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid pa sa tea bags na may street value na P102 million.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino modus ng ilegal na transakyon ay ipa-park at iiwan ng pusher ang saksakyan sa isang lugar.
Sa pamamagitan naman ng duplicate ng susi ng sasakyan iiwan ng main source ang ilegal na droga sa loob ng sasakyan.
Lumabas din aniya sa imbestigasyon na si alyas Boy ang main source ng shabu sa Cavite, sa buong Region 4-A, NCR area, at Zamboanga City.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga naarestong suspek.