Sa inilabas na pahayag ng alkalde, inatasan na nito ang San Juan City Health Office para agad i-disinfect at i-sanitize ang pasilidad.
Pansamantala din muna itong ipinasasara habang ginagawa ang disinfection.
Katuwang ang DOH sinabi ni Zamora na nagsasagawa na ng contact tracing para matukoy kung sinuo-sino ang nakahalubilo ng pasyente simula noong last week ng Pebrero kung kailan siya nagsimulang magpakita ng sintomas.
Kasabay nito hinimok ni Zamora ang mga residente na maging kalmado sa kabila ng pagkakaroon ng unang positibong kaso ng COVID-19 sa San Juan.
Inabisuhan din ang mga residente na laging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, gumamit ng alcohol at maging responsable kapag uubo.
Sinumang makararanas ng respiratory illness ay agad tumawag sa sumusunod na hotline numbers:
DOH 8651-7800 loc. 1149 – 1150
San Juan City Health Office 7625-5845
City Epidemiology and Surveillance Unit 0923-6675046 / 0917-8140870