Sa pagdinig ng Iloilo RTC Branch 23, sinabi ni Judge Emerald Requinto-Contreras na hangga’t hindi nilalabas ng Energy Regulatory Commission ang Certificate of Public Convenience and Necessity ng MORE ay dapat ibalik nito ang operasyon sa PECO.
Sinabi pa ng hukom na dapat ay sumunod ang MORE sa addendum kung saan nakasaad na ang mga tauhan ng PECO ang dapat nag-ooperate sa power distribution facilities habang ang mga empleyado ng MORE ay naroon lamang para mag obserba.
Hindi rin umano tiyak ang hukom sa kapasidad ng MORE para makapag operate ng pasilidad kaya ipinababalik sa PECO ang operasyon para maprotektahan ang mga power consumer mula sa posibleng power outages.
Ayon naman kay Atty Estrella Elamparo, PECO legal counsel, isang crucial development ang desisyon na ito ng korte para patunayan ang kanilang mga naunang pahayag.
Kaugnay naman sa isyu ng pagbawi umano ng ERC sa CPCN ng PECO sinabi ni Elamparo na hindi pa ito pinal at wala pa silang natatanggap hinggil rito.