Ayon kay Taduran, dapat ay nilinis muna ang alikabok sa lugar sa pamamagitan ng pagbubuhos ng tubig bago nag-take-off ang PNP chopper.
Paliwang nito, ang paglipad ng chopper ay parang lumipad na nakasarado ang mga mata dahil sa makapal na alikabok.
Standard operating procedure aniya sa Presidential chopper na binabasa muna ng bumbero ang lupa bago mag take off kaya tanong ni Taduran bakit hindi ito nagawa sa sinasakyan ng hepe ng pambansang pulisya.
“It was like flying with eyes closed. I wonder why they didn’t clean the area before taking off? Hindi ba SOP sa presidential chopper, binabasa ng mga bumbero ang lupa para hindi maging maalikabok? Bakit hindi ito nagawa sa ating PNP Chief?”, saad ni Taduran.
Kaugnay nito, nagbabala si Taduran sa brownout phenomenon na kadalasang nangyayari sa mga disyerto kung saan nagdudulot ng poor visibility ang makakabal na alikabok at buhangin.
Sa mga disyerto, kailangan anya ng mga special skill para makapagpalipad at makalapag ang mga aircrafts sapagkat kahit walang mga kable o puno nagdudulot ng panganib ang zero visibility.
Giit nito, “It takes special skill in the desert to fly or land aircraft. In the desert though, there are no cables or nearby trees which could pose danger in cases of zero visibility.”