Paglalagay sa underground ng cable system sa bansa napapanahon na

INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Iginiit ni Assistant Majority Leader at Bagong Henerasyon

Rep. Bernadette Herrera ang paglilipat sa underground and cable system ng bansa.

Kasunod ito ng pagbagsak ng sinasakyang chopper ni PNP Chief Archie Gamboa na sinasabing sumabit sa kable.

Sabi ni Herrera, patunay lamang ang insidente kung gaano kadelikado ang overhead wires.

Nakabinbin sa kamara ang inihain ni Herrera na House Bill 5845 o ang Nationwide Underground Cable System Act.

Sa ilalim ng panukala, inoobliga ang lahat ng kumpanya, service providers, ay iba pang kahalintulad na mga kumpanya na gumagamit ng wires at cables partikular sa mga negosyong may kinalaman sa komunikasyon, internet service at power supply na ilipat na sa ilalim ng lupa ang kanilang cable system.

Bukod aniya sa malilinis ang mga lansangan sa buhol-buhol na kable at poste, mas ligtas rin ito at climate-resistant para hindi napuputulan ng kuryente ang mga apektadong lugar tuwing may kalamidad.

Binanggit ng kongresista na nauna nang inilagay sa ilalim ng lupa ang mga kable sa Davao City, Cagayan De Oro City, Cebu City at Baguio City.

Read more...