Ito’y bunsod ng ulat na nagkakaubusan na raw ng suplay ng testing kits matapos ang deklarasyon ng World Health Organization na banta ang Zika virus sa global health.
Ayon kay Gatchalian, mahirap bilhin ang testing kits para sa Zika virus, kaya dapat aniyang gumawa ng paraan ang DOH upang makahanap ng ibang sources nito para sa private hospitals.
Binigyang diin ng Kongresista na kailangan maging handa ang mas maraming pagamutan sa bansa kasaling magkaroon na ng kaso ng Zika virus sa Pilipinas.
Dagdag ni Gatchalian, mainam nang maibsan ang takot ng publiko kapag nalaman nilang preparado ang bansa laban sa naturang virus.
Nauna nang inanunsyo ni Health Secretary Janette Garin na mayroon lamang isang libong testing kits sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM.
Ang Zika virus ay ini-uugnay mga kaso ng severe birth defects sa mga sanggol sa Brazil, at sinasabing kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng lamok.