Sa panayam kay Joint Task Group Sulu Commander Brigadier Gen. Alan Arrojado, mayroon na umano silang inihandang security preparation para maging maayos at mapayapa ang halalan sa probinsiya.
Paliwanag ni Arrojado, mayroon na silang initial meeting sa Commission on Elections kaugnay sa paghahanda para sa nalalapit na halalan.
Mahigpit ding tinututukan ng militar ang mga bandidong Abu Sayyaf sa probinsiya na posibleng gamitin ng mga lokal na pulitiko.
Kinukunsidera din na banta sa eleksyon ang Abu Sayyaf Group (ASG) lalo na ngayong nalalapit na ang halalan.
Pagbibigay-diin ni Arrojado na mahigpit nilang binabantayan ngayon ang bandidong grupo lalo nang nalalapit na ang pag-uumpisa ng pangangampanya.