Ayon kay Ungab naganap ang insertions sa bicameral conference committee.
Gayunman, hindi idinetalye ng pinatalsik na appropriations panel chair kung magkano ang isiningit ng mga mambabatas.
Nauna nang sinabi ni Senator Panfilo Lacson na mayroong P80B realignment ang mga kongresista mula sa Build Build Build program ng administrasyon.
Dahil dito, pinigil ng pamahalaan ang pagpapalabas ng nasabing pondo.
Kinumpirma rin ng Department of Budget and Management ang pahayag ni Lacson.
Sinabi rin ng DBM na ang P80B pondo ay maaring pa mailabas at ang kailangan lamang ay mareview na handa na ang proyekto para sa implementasyon.
Ang direktiba ng DBM ayon kay Ungab gayundin ang affirmation message ng pangulo ay titiyak na mapapangalagaan ang pondo at magkakaroon ng accountability ang magpapatupad ng proyekto.