Train marshalls itinalaga sa loob ng mga tren ng MRT-3

Upang siguruhin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero, naglagay ang DOTr-MRT 3 ng mga train marshalls sa loob ng kanilang mga tren.

Pawang uniformed security personnel ang itinalaga na aabot sa 30.

Araw-araw silang magbabantay sa mga tren na bumabiyahe, mula sa una hanggang sa huling deployment ng revenue train.

Magkakaroon ng isang train marshall kada tren na bibiyahe mula North Avenue station hanggang Taft Avenue station at pabalik.

Bukod sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad sa loob ng tren, tungkulin din ng mga train marshalls na bantayan at paalalahanan ang mga pasahero mga alituntunin ng MRT-3.

Kabilang din sa kanilang gagawin ang pagsasala ng mga pasaherong maaaring sumakay sa priority area; at pagtulong sa mga pasaherong nangangailangan.

Kapag nagkaroon ng aberya sa operasyon, tungkulin din ng mga train marshall na ipaalam ito sa mga pasahero.

Sila ang magsisilbing first responder kapag nagkaroon ng emergency sa loob ng tren.

Read more...