Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, 140 na OFWs ang darating sa bansa.
Sa nasabing bilang, 100 ang undocumented at 40 lamang ang documented.
Nilinaw ni Bello na kahit undocumented ay tutulungan sila ng pamahalaan at isasakay sila sa chartered flight para makauwi sa bansa.
Ang nasabing bilang ng mga OFW sa Macau ay naapektuhan matapos na magsara ang maraming establisyimento doon bunsod ng paglaganap ng COVID-19.
Noong nakaraang buwan ay iniutos ang 15 araw na pagsasara sa lahat ng mga casino sa Macau.
Ayon kay Bello sa sandaling makabalik sa bansa ay sasailalim sa quarantine ang mga Pinoy.