Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Asst. Sec. Maria Rosario Vergeire sa nasabing bilang, 80 ay mula sa MV Diamond Princess.
Sa 80 Pinoy crew ng naturang barko na na-admit sa ospital sa Japan, 42 na ang nakalabas na ng pagamutan at 21 sa kanila ang nakauwi na sa Pilipinas.
Mayroon namang 13 pa ang naka-book na at 8 pa ang naghihintay ng kanilang flight para sila ay makauwi sa Pilipinas.
Habang ayon kay Vergeire, nasa ospital pa sa Japan ang 38 pang Pinoy na pasyente at nagpapagaling pa.
Sa Hong Kong naman, 3 Pinoy ang nagpositibo sa sakit at 2 sa kanila ang naka-recover na pero sasailalim pa sa panibagong mga pagsusuri bago sila palabasin ng ospital.
Tatlo ding Pinoy ang nagpositibo sa COVID-19 sa Singapore at 1 sa kanilang ang na-discharge na.
Habang nananatili sa sa dalawa ang Pinoy sa UAE na nagpositibo rin sa sakit. (