10 repatriates mula MV Diamond Princess nasa mga referral hospital pa matapos makitaan ng sintomas ng flu

Mayroong sampung repatriates mula sa MV Diamond Princess ang nananatili sa referral hospitals ng Department of Health (DOH.

Kabilang ang sampu sa dalawampu’t limang repatriates na nagpakita ng sintomas ng COVID-19 at dinala sa ospital mula sa quarantine area sa New Clark City sa Tarlac.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Asst. Sec. Maria Rosario Vergeire na sa dalawampu’t limang sinuri at kinuhanan ng sample ay labingsiyam na ang negatibo sa COVID-19 base sa ginawang test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Sa sampu na nananatili sa ospital, anim na lang sa kanila ang pending ang resulta ng tests dahil ang apat ay nag-negatibo na.

Una nang sinabi ng DOH na dalawang beses kada araw sinusuri ang kondisyon ng mahigit 400 na repatriates na naka-quarantine sa New Clark City.

Sinumang nakikitaan ng sintomas ng trangkaso ay agad dinadala sa ospital.

Sa March 11 pa matatapos ang kanilang 14 na araw na quarantine period.

Read more...