Paghingi ng medical certificate sa mga Pinoy na pupunta ng Kuwait hindi na ipatutupad ng Kuwaiti Govt

Inanunsyo ng pamahalaan ng Kuwait na hindi na muna nito ipatutupad ang circular na nag-aatas sa mga Filipino na magpakita ng PCR medical certificate kapag pupunta ng Kuwait.

Ayon sa Philippine Embassy ng Kuwait, nagdaos ng extraordinary session ang gabinete ng Kuwait at napagpasyahan na hindi muna ipatupad ang circular number 25 ng Kuwaiti Directorate General of Civil Aviation.

Sa nasabing circular, ang mga Kuwait-bound na Pinoy ay kailangang magpakita ng PCR medical certificates para patunayang sila ay walang COVID-19.

Maliban sa Pilipinas, sakop din ng naturang circular ang iba pang mga bansang apektado ng COVID-19.

Ayon sa pamahalaan ng Kuwait, may mga bansa kasi na walang kakayahan na ipatupad ang naturang procedures.

Read more...