UK nakapagtala na ng isang nasawi dahil sa COVID-19

May naitala nang unang pasyenteng nasawi sa United Kingdom dahil sa COVID-19.

Ayon sa chief medical officer ng England na si Chris Whitty, ang pasyente ay may edad na at mayroong iba pang health conditions.

Na-admit sa Royal Berkshire Hospital ang pasyente at pinaniniwalaang sa Britain niya nakuha ang sakit.

Sa datos, umabot na sa 115 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa UK.

Nagsagawa na ng emergency planning meetings sina Whitty at ang chief scientific adviser ng Britain na si Patrick Vallance.

Posibleng sa susunod na linggo iaanusyo ng mga opisyal ang gagawing hakbang para maiwasan ang paglaganap pa sakit.

Read more...