Maliban sa amihan, binabanayan din ng PAGASA ang dalawa pang weather system sa bansa kabilang ang Low Pressure Area sa Mindanao at ang tail end ng cold front na nakaapekto sa BIcol Region.
Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa layong 150 kilometers East Northeast ng General Santos City, South Cotabato.
Inaasahang tatawirin ng LPA ang kalupaan ng Mindanao bago inaasahan na tuluyang malulusaw sa bahagi ng Sulu Sea.
Dahil sa naturang LPA, ang buong Visayas at Mindanao ay makararanas na ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw.
Maulap na papawirin din na may kalat-kalat na pag-ulan ang iiral sa Bicol Region, Quezon, Marinduque, Romblon and at Oriental Mindoro dahil naman sa tail end of a cold front.
Habang sa Cagayan Valley at Aurora, maulap na papawirin din ang iiral na mayroon lamang mahihinang pag-ulan dahil sa amihan.
Sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon, amihan din ang umiiral na maghahatid lang ng isolated na mahihinang pag-ulan.
Simula sa Linggo ay inaasahang Easterlies na ang iiral sa malaking bahagi ng bansa na maghahatid ng mainit at maalinsangang panahon.