Magnitude 3.6 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Davao Occidental, Huwebes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, niyanig ng lindol ang 133 kilometers Southeast ng Sarangani dakong 8:50 ng gabi.

May lalim ang lindol na 8 kilometers at tectonic ang origin.

Walang naitalang pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...