Kumpiyansa ang Malakanyang na kaya ng National Printing Office o NPO na makumpleto bago ang deadline ang pagpapa-imprenta ng mga official ballots para sa 2016 elections.
Sa kabila ito ng pangamba na kapusin ang NPO ng panahon dahil sa iba’t ibang aberya na pinagdadaanan ng Commission on Elections o Comelec.
Katunayan, noong 2013 elections, nakumpleto nila ang printing ng 52 million ballots sa loob lamang ng 57 araw-tatlong linggi na mas maaga sa itinakdang deadline ng Comelec.
Bukod diyan, dahil sa operational efficiency, nakumpleto din aniya ng npo ang order ng Comelec nang 230 milyong pisong mas mababa sa inilaan ditong budget.
Kabilang dito ang 35 milyong piso na natipid para sa pagbili ng papel para sa balota.
Dahil sa natipid, hindi na rin kinailangan ng Comelec na gumastos para sa papel na ginamit sa balota para sa Barangay elections noong October 2015.