Nakilala ang suspek na si Alvin Rafael Acaoili.
Inaresto ng NBI si Acaoili dahil sa reklamo ng biktima na si Dionisio Alonzo sa Pala Pala, Dasmariñas Cavite.
Nabatid na kahit nasibak na sa puwesto sa LTFRB noong June 2015, patuloy pa itong naghahanap ng mga kliyente para sa prangkisa.
Ayon kay Alonzo, hiningan siya ni Acaoili ng isang milyong piso para sa prangkisa ng kanyang mga bus.
Gayunman nabigo si Acaoili na ibigay ang kanyang prangkisa.
Dahil dito nakipag ugnayan na si Alonzo sa NBI para magsagawa ng entrapment operation.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa NBI at nahaharap sa kasong robbery extortion.