Sa 20-pahinang petition for prohibition, hinikayat ni Gadon ang SC na pigilan ang Kamara sa pag-utos sa National Telecommunications Commission (NTC) na huwag ipatupad ang notice letter para sa extension ng permit ng TV network.
Layon sana ng notice letter na mapayagan ang ABS-CBN Corporation na makapag-operate kahit mapaso ang prangkisa sa May 4.
Ani Gadon, paglabag ito sa Konstitusyon.
Iginiit pa nito na mayroong “separation of powers” sa tatlong sangay ng gobyerno.
Sinabi pa ng abogado na dapat manggaling sa Kongreso ang prangkisa para sa TV network at hindi sa NTC.
READ NEXT
DFA kumpiyansa na makakamit ng Comelec ang target na 2 milyong registered voter para sa May 2022 Elections
MOST READ
LATEST STORIES