Ito ang inihayag ni DFA Undersecretary Brigido Dulay sa gitna na rin ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) kung saan marami ang natatakot maglalabas ng bahay lalo na sa mga bansang may mataas na kaso ng virus.
Giit ni Dulay, maraming Filipino sa abroad ang nais na makaboto sa halalan kaya tiyak na marami ang magpaparehistro.
Sa ngayon, mayroon na umanong 1.3 milyong overseas voters ang nakarehistro sa Comelec.
Sinabi pa nito na maliban sa mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa ibang bansa, nagsasagawa rin sila ng mga outreach program sa mga botante na malayo sa embahada ang tirahan.
Kung sa China naman aniya ay wala naman sa Wuhan ang embahada ng Pilipinas kaya wala ring problema.
Ang mga Filipino na nasa Wuhan ay maaari naman aniyang magparehistro sa oras na matapos na ang banta ng COVID-19.
Sa ngayon ay naka-lockdown ang Wuhan kung saan nagsimula ang COVID-19 para maiwasan ang pagkalat pa ng virus.