LOOK: Larawan ni PNP Chief Archie Gamboa ibinahagi ni Senator Bato Dela Rosa

Ibinahagi ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga larawan ni PNP Chief Archie Gamboa habang nasa ospital.

Sa mga larawan na ibinahagi ni Dela Rosa sa kaniyang Facebook page makikitang nakangiti na at naka thumbs up si Gamboa.

May bandage sa kanang braso ni Gamboa.

Agad dinalaw ni Dela Rosa si Gamboa nang mailipat ang PNP chief sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Umaasa naman si Dela Rosa na magiging maayos ang lagay ni Gamboa.

Read more...