Pahayag ito ng palasyo matapos bumagsak ang sinasakyang chopper ni Gamboa Huwebes (March 5) umaga sa Laguna.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, hindi lang ang mabilis na pag-recover ni Gamboa ang ipinapanalangin ng palasyo kundi maging ng iba pa niyang kasamahan na kabilang sa nadisgrasya.
Kasama ni Gamboa sa chopper sina PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard, PNP Comptrollership chief Major General Jovic Ramos, Major General Mariel Magaway, ang piloto ng chopper na si Lt. Col. Zalazar; co-pilot na si Lt. Col. Macawili, Senior Master Sergeant Estona – crew ng chopper at si Police Capt. Gayrama ang aide de camp ng PNP Chief.