LOOK: Prayer vigil idinadaos sa St. Joseph Chapel sa PNP headquarters

Isang prayer vigil ang idinadaos ngayon sa St. Joseph Chapel sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Ito ay para ipanalangin si PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa at iba pang mga sakay ng bumagsak na helicopter sa San Pedro, Laguna.

Ang prayer vigil ay dinaluhan ng mga opisyal at tauhan ng PNP.

Maliban kay Gamboa, tatlo pang heneral ang lulan ng chopper kabilang si Brig. Gen. Bernard Banac ang tagapagsalita ng PNP.

Read more...