Naganap ang muling paglulunsad sa City Sports Complex sa Barangay Minuyan Proper noong February 29, 2020.
Ipinahayag ng mag-asawang Robes na ang programang pang-senior citizens ay isa sa mga importanteng bahagi ng kanilang planong pangkalahatang kaunlaran para sa SJDM.
Sa ilalim ng “Si Lolo at Lola ng Buhay Ko,” magbibigyan ang mga senior citizens ng SJDM ng munting regalo tuwing sasapit ang kanilang kaarawan.
“Yung ating mga seniors ay maituturing na asset ng ating siyudad. Dapat rin natin silang na pahalagahan dahil sa mga naiambag nila para sa pagsibol ng SJDM,” sabi ni Mayor Robes.
Para naman kay Congresswoman Robes, ang “Si Lolo at Lola ng Buhay Ko” ay isang taos-pusong handog para sa mga seniors.
Pahayag niya: “Itong programa din po ay pasasalamat sa ating mga lolo at lola sa kanilang mga nagging sakripisyo. Kaya nais namin na sila naman po ang mapasaya sa kanilang kaarawan. Ito ay dagdag lamang sa lahat ng serbisyo na binibigay ng SJDM para sa mga senior citizens.”
Kilala ang mag-asawang Robes na magkatuwang sa pagbibigay ng
serbisyong may puso na naghahatid ng pag-asa para sa bawat pamilyang San Joseño.
Bukod sa “Si Lolo at Lola ng Buhay Ko,” marami na silang naipatupad at ipapatupad pang mga programa para sa mga taga-SJDM.