Makapal na alikabok na nagdulot ng poor visibility dahilan ng pagbagsak ng chopper na sinasakyan ni Gamboa

Poor visibility ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter na sinasakyan ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa at pitong iba pa.

Ayon kay Laguna Police chief, Lt. Col. Serafin Petalio, maalikabok sa lugar kung saan nag take-off ang chopper sa San Pedro, Laguna.

Maari umanong hindi napansin ng piloto ang wire ng kuryente dahil sa kapal ng alikabok kaya sumabit ito sa high tension wire.

Pagbagsak ng eroplano ay agad itong nagliyab pero mabilis na nakuha mula sa loob ang mga sakay nito kasama si Gamboa.

Wasak din ang chopper at nahati sa gitna.

Read more...