Eroplano ng American Airlines na-divert matapos magtangka ang isang pasahero na buksan ang emergency exit door

Na-divert ang biyahe ng eroplano ng American Airlines na patungo dapat ng Dallas galing Chicago.

Ito ay makaraang isang pasahero ng eroplano ang nagtangkang buksan ang ermegency exit door habang nasa himpapawid ang eroplano.

Ang American Airlines Flight 2300 ay umalis sa Chicago Airport at wala pang 45 minuto sa biyahe ay inanunsyo na mada-divert ito Missouri.

Tinangka ng isang pasahero na buksan ang emergency door pero nabigo siyang maiangat ito.

Nang mapansin siya ay mga kapwa niya pasahero mismo ang pumigil sa kaniyang ginagawa.

Ibinaba ng Missouri ang naturang pasahero.

Read more...