BREAKING: Sinasakyang chopper ni PNP chief Gen. Archie Gamboa bumagsak sa San Pedro, Laguna

Bumagsak sa San Pedro, Laguna ang sinasakyang helicopter ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa.

Galing sa impounding area ng Highway Patrol Group ng PNP sa Laperal Cmpd., Brgy. San Antonio si Gamboa kasama ang iba pang opisyal ng PNP.

Mula doon sumakay siya ng chopper paalis.

Kaka-take off lamang ng chopper nang ito ay bumaksak matapos sumabit umano sa high-tension wire.

“Conscious” ang PNP Chief nang siya ay makuha mula sa nasusunog na helicopter.

Kabilang sa sakay ng chopper sina Comptrollership chief Major General Jovic Ramos, at si Major General Mariel Magaway na pinuno ng Directorate for Intelligence ng PNP, dalawang piloto at isang technician.

Isang RP-3086 – Bell 429 Global Ranger model ang sinasakyang chopper nina Gamboa na nai-deliver sa PNP noong March 2018.

Read more...