Ayon sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, pawang mahihina lamang naman ang naitalang pagyanig at hindi naramdaman ng mga residente.
Mayroon ding naitalang mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay 50 hanggang 100 meters.
Ayon sa Phivolcs, nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Taal Volcano na nangangahulugang maari pa ring magkaroon ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at lethal accumulations o pagbubuga ng volcanic gas.
Bawal pa ring pasukin ang Taal Volcano Island na itinuturing na Permanent Danger Zone.
Pinayuhan ng Phivolcs ang mga lokal na pamahalaan na maging handa pa rin sakaling muling mag-alburuto ang bulkan.