Water level ng Angat dam nabawasan pa sa nakalipas na magdamag
By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2020 - 07:52 AM
Bumaba pa ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Sa datos ng PAGASA hydrology, nasa 201.72 meters ang water level ng dam alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes (March 5).
Mas mababa kumpara sa 201.87 meters kahapon.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 77.23 meters habang ang water level ng Ipo dam ay nasa 100.04 meters.
Ang iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nabawasan din ang water level, maliban lamang sa Binga dam na bahagya pang nadagdagan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.