Mga paaralan sa Italy isinara na; death toll dahil sa COVID-19 umabot na sa 107

Umakyat na sa 107 ang bilang ng mga nasawi sa Italy dahil sa COVID-19.

Ayon sa Civil Protection Agency ng Italy, 28 ang nasawi sa nakalipas na magdamag.

Ipinag-utos na ng Education Minister ng naturang bansa ang pagsasara sa lahat ng eskwelahan at mga unibersidad hanggang sa March 15.

Sa loob ng 13 araw, umakyat sa mahigit 3,000 ang bilang ng tinamaan ng sakit na COVID-19 sa Italy.

Read more...