2,000 surgical masks ninakaw sa isang ospital sa France

Aabot sa 2,000 surgical masks ang ninakaw mula sa isang ospital sa southern French City na Marseille sa kasagsagan ng COVID-19 scare.

Sa ulat ng Agence France Presse, kinuha ang mga surgical mask mula sa Conception hospital.

Nagsasagawa na ng internal investigation ang pamunuan ng ospital para malaman kung sino ang mga nagnakaw.

Sa kabila ng pagkuha sa 2,000 piraso ng surgical masks ay tinyak ng ospital na may sapat pa rin silang suplay nito.

Apat na ang nasawi sa France dahil sa COVID-19.

Read more...