Nasawi sa COVID-19 sa US umakyat na sa 11; California nakapagtala na ng unang nasawi

Dalawa pang pasyente ng COVID-19 sa Estados Unidos ang nasawi.

Dahil dito, umakkyat na sa 11 ang kumpirmadong nasawi sa sakit sa Amerika at ang California ay nakapagtala na rin ng unang pasyenteng namatay dahil sa COVID-19.

Ayon sa mga health official ng California ang nasawing pasyente ay isang may edad na at mayroong iba pang sakit.

Ang pasyente ay nagpositibo sa COVID-19 at hinihinalang nalantad sa sakit nang siya ay bumiyahe sakay ng cruise ship sa pagitan ng Feb. 11 at 21 patungong Mexico.

Ang sampu pang nasawi sa Amerika ay sa greater Seattle area na mayroon nang 39 na kaso ng sakit.

 

Read more...