10 huli sa kasagsagan ng drug session sa Santa Cruz, Maynila

Huli sa akto ang limang babae at limang lalaki na nagsasagawa ng drug session sa loob ng kwarto ng isang motel sa Santa Cruz, Maynila.

Ikinasa ng mga tauhan ng Special Enforcement Service ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon sa bahagi ng Quiricada Street.

Nang pasukin ang kwarto, nakita ang mga suspek na nag-iinuman at nagsasagawa din ng drug session.

Nakuhanan sila ng mga hinihinalang party drugs, liquid drugs, shabu at marijuana.

Read more...