2 patay, 6 arestado sa operasyon kontra ilegal na droga sa Cavite

Dalawa ang patay habang arestado ang anim na iba pa sa sinalakay na shabu tiangge sa Bacoor, Cavite.

Bitbit ang search warrant, pinasok ng mga otoridad ang compound sa Barangay Molino 3.

Naaktuhan ang walong suspek sa lugar, pero dalawa sa mga ito ay nanlaban sa mga pulis kaya sila napatay.

Nadakip naman ang anim na iba pa.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng ilegal na droga na nasamsam sa mga suspek.

Read more...