Ang LPA ay huling namataan sa layong 555 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa PAGASA, dahil sa LPA, ang Mindanao, Eastern at Central Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang Bicol Region naman naman ay makararanas din ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Tail End of a Cold Front.
Habang ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas lang ng bahagyang maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan.
Ayon sa PAGASA maliit ang tsansa na mabuo bilang gangap na bagyo ang LPA pero tatawirin nito ang Mindanao kaya magiging maulan pa rin dito sa mga susunod na araw.