Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 85 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos dakong 7:59 ng gabi.

Tectonic ang origin nito at 15 kilometers ang lalim.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...