Warehouse ng VCMs sa Laguna, ipinakita sa media ng Comelec

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Nagsagawa ng walkthrough ang Commission on Elections (Comelec) sa warehouse sa Sta. Rosa, Laguna kung saan itinatago ang libu-libong mga vote counting machines (VCMs).

Kasama ang mga miyembro ng media, nilibot ng mga opisyal ng Comelec ang warehouse para ipakita ang mga nakatagong VCMs na gagamitin sa May 2016 elections.

Kuha ni Erwin Aguilon

Ang warehouse na nasa 5-hectare lot na pag-aari ng JAM liner ay nirerentahan ng Comelec sa halagang P69 milyon para sa isang taon.

May limang gusali sa lugar at sa building number 3 nakaimbak ang mga VCMs.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ito ang unang pagkakataon na ipapakita nila sa publiko ang warehouse.

Sa ngayon, nasa 71,456 na mga VCMs ang naka-imbak sa nasabign warehouse sa Laguna.

May itinayong viewing deck sa lugar, para sa mga partido o grupo na nais bumisita sa warehouse.

Read more...